Wednesday, November 25, 2009

comelec-"The voice of the people is the voice of God" God's Elect

COMELEC or Commission on Election - It says "The Voice of the People is the Voice of God" therefore whoever is elected is considered "God's Elect".
Is this true? Yong opisina totoo pero and sinasabi at ginagawa o nangyayari ay tila hindi makatotohanan. Ano sa palagay ninyo mga Pilipino?
Meron akong gustong ibahagi sa inyo base sa personal na karanasan, hindi sa dahilang parati ako tinatakwil or deni-deny ng Comelec, ngunit ganoon pa man, ibabahagi ko pa rin ang buhay ko sa inyo at kung paano na lang ang pag-respeto ko sa opisina na ito.

Sa gulang ko na 12 years old tuwing eleksiyon ay pinatutulong ako ng Tiya ko na isang guro na samahan siya sa Munisipyo para kunin ang mga papel na ginagamit sa tuwing sasapit ang eleksiyon. At dahil sa "SAGRADO" ang ballot box iyon ang parati ko na binabantayan, inuupuan ko pa nga para hindi mawala o maagaw. Tumutulong ako na mag linis, mag-ayos ng mga taong boboto at nang High School na ako ganoon pa rin ang ginagawa ko. Taga ingat, taga bantay, taga linis at taga ayos hanggang maibalik ang ballot box pabalik sa Munisipyo. Nang mag college na ako bukod duon sa regular na ginagawa ko naranasan ko rin na mag score sa black board ng mga nanalong kandidato. Ganyan ako maglingkod sa Comelec ng walang extrang bayad kundi bilang katulong ng aking Tiya.

Ang pinagtataka ko lang at tunay na pangyayari ay nang maranasan ko na dumalo sa isang meeting at ang pinuno ng bayan ay nag-utos na "gawan ng paraan na manalo ang taong gustong mamuno sa bayan", duon ko nakita ang "padding" na tinatawag, kaya, sa totoo lang, kahit ako botante nag abstain ako. Sabi nga ng teacher na kasama namin ...aktibista ang bumotong ito, sabay tingin sa akin. Duon ko rin naranasan na magkandado ng pinto dahil nang oras ng bilangan ay biglang nag-ba-brownout at nagkakaroon ng "ballot snatching". Ito ang panahon ng Marcos Regime.

After Marcos ang experience ko iba na...pera-pera na ang kalakaran kung saan bago bumoto ay may sasalubong na sa iyong mga "utusan" na mag-aabot ng sample ballot at may naka-ipit na pera. Ang uri ng pangampanya ay nagpa-painom ang kandidato sa mga tagong estero sa lugar ng mahihirap, nag me-meeting at nagpapabango sa mga taong mahihirap para sila iboto. Paramihan ng tao ang mga partido ng bawat kandidato at ang common picture ay "butterfly candidate" lipat-ng-lipat sa medyo alam nilang sikat na kandidato. Pabor naman ito sa mga leaders or campaign manager sa area nakakatuwang masdan na kung minsan ang leader parehong nag tratrabaho sa magkaribal na kandidato. Nakisali din ako sa mga partidong sikat at nagpabayad din ako ng serbisyo dahil sa hirap ng buhay ng mga panahon na iyon. Hanggang dumating ang PPCRV at sabi ko dito na lang ako maglilingkod ng boluntaryo at least panatag ang kalooban ko, masaya pakiramdam ko kahit na inaabot kami ng umaga na walang tulugan. Alam ko ang laki ng perang ginagastos ng mga kandidato tuwing halalan kasi sinubukan ko rin na sumama sa kandidato na gusto ko at alam ko na dadayain ng kabilang kampo. Sabi ko nga sa isip ko ganito pala ang makamundong buhay. Ang mga ma-perang kandidato ang nananalo, mga kandidatong may partido, mayaman super, may dati nang kapangyarihan at gusto pang manatiling naka "glue" sa puesto o di kaya pasa sa anak, asawa, kamag-anak para mapanatili ang kanilang "power".

Minsan ako ay nag-iisip at tinatanong ang Diyos kung bakit sinasabi pa ng Comelec na ang Voice of the people is the voice of God kung ang nakikita ko na nananalo ay gumagamit ng BARIL, karahasan at pananakot. Bakit kailangan ng ganoon kalaking pera para magkaroon ng kapangyarihan, bakit kailangan gumastos ng mga "private army" para sila bantayan at siguraduhin na sila ang maupo or manatiling nakaupo sa kapangyarihan. Talaga kayang DIYOS ang nag-utos sa mga kandidato na ito para magkaroon ng kapangyarihan sa Gobyerno? Anong uri kaya ng Diyos? Ah..sabi nga pala ng Bible ..you cannot serve two masters ..either you love one and hate the other..its either God or money to become a true servant. Para bang one servant of the Filipino people or servant of the party. Which is which. Mag-isip ka rin..Pilipino ka.! Yon, eh..kung gusto mong magising sa katotohanan or manatiling nagtutulog-tulugan or simply a "blind follower".

Nang magkaroon naman ng isang kandidato para sa mahirap na hinalal ng mga taong mahirap ang ginawa naman ng mga kandidatong may kapangyarihan ay tinanggal sa puesto ang mahirap na kandidato...WHERE IS THE SANCTITY OF THE VOICE OF THE PEOPLE, as being claimed, at pinababayaan ang ganito...and the answer maybe..."kasi suporter or appointed sila ng mga taong nagtanggal." At ito ang resulta ng "cardinal sin" ng bayan ..Hindi nagbigay pagpapahalaga sa "Comelec". Sino kaya ang sinasabi ng Comelec na "nuisance"? Bakit kaya ang Comelec kapag nag-reklamo ang isang kandidato na dinaya kailangan matapos ang desisyon kapag matatapos na ang panunungkulan ng pinaupo nilang kandidato at pag 3 months bago mag election ide-declare na nila ang complaining candidate na "winner"!. Ganyan ba talaga katagal mag trabaho ang mga opisyal ng nasabing opisina? Just-tiis na lang pabayaan mo na lang muna kami..oh my gosh!! Pinasuweldohan pa ng taong bayan ang mga iyan.

Ngayon, nag-uumpisa pa lang ang filing ng candidacy ay nagkakaroon na ng "masaker" at dahil sa kampi ng nakaupong may kapangyarihan hindi puede "hulihin" ang "suspek" pero kapag snatcher, holdaper kulong agad ...justice pa rin kaya ang tawag dito. Paralegal volunteer din ako at nanlulumo ako na makarinig ng kuwento ng mga nakakulong na walang imbestigasyon man lamang, walang abogado, walang pera, kamag-anak at mga lumayong kaibigan. Hanggang kelan tayo mananatiling tahimik sa Katotohanan mga Pilipino..pag-isipan mo at magising ka naman. Naghahanap ba tayo ng "milagro galing sa langit? Yon bang sinasabing 3 araw na kadiliman?" Eh, yon lang makakita ka nang ganitong pangyayari ay "kadiliman na, yon lang mag people power ay kadiliman na" ano pa ba ang hinihintay ng mga tao?

Gusto ko makakita ng GOD's Elect...mamumuno o pinuno na meron Diyos sa Puso, Isip at Kaluluwa, may buhay at kumakalinga sa mahihirap, pinunong kayang gawin ang utos ng kanyang pananampalataya. A servant of the Filipinos and not a Servant of the party who claims that they have loyalty to their party. Beware Filipinos and take heed.. Pag-isipan mo at magising ka.
COMELEC is the one that holds the key to a kingdom of leadership..it is a peaceful change of leadership and the Filipino people must learn how to choose wisely...it is not the amount of money that a candidate can spend to win the election but rather look at the Commitment and performance of every candidate. It is much better if we choose an independent candidate who is willing to give his/her life for the countrymen and to the country, to God and to His Faith. Lastly ..seek first the Kingdom of God and all these things will be added on to you...power, wealth, blessings and God in the center of your life so that your followers will learn to give thanks to the Lord Almighty. God bless us all. May God forgive us of our "cardinal sin" the sin we have done to our country - the Philippines.




Monday, September 21, 2009

3 Denials of men of the church in the Philippines

To my Brothers and Sisters in Christ and most of all to my fellow countrymen of the Republic of the Philippines:

It was in the year 1992 when God called me in a dream to file a certificate of candidacy. I ask God, ..Lord ako? Eh, alam naman po ninyo na wala akong pera, hindi ako kilala at wala akong partido. Tiyak ko huhusgahan lang ako ng mga tao,pagtatawanan, lilibakin at marami pang sasabihing mga salita at ayaw ko na gawin nila sa Iyo yon. Kung sarili ko lang ay kaya ko pero ang sinisimbolo kong Ispirito na Banal na Ispirito ng Diyos na aking kilala, nakakalungkot naman po ata yon. Ngunit gayon pa man, sumangayon ako sa kagustuhan ng Diyos Ispiritu Santo at sinabi ko sa kanya na pupunta ako sa huling araw at huling oras. At ganoon ako sumunod sa utos Niya. Tanda ko pa nuon, nasa Central Bank of the Philippines ako at duon ko pa ako nag type ng application ko at pumunta ako ng 5pm sa Comelec, ngunit para namang sinubukan ako ng tadhana na na extend ang oras ng filing ng 12midnight. Matapos kong ginawa iyon ay umuwi na ako at walang alam ang miyembro ng pamilya ko at mga kamag-anak, maliban lang sa mga kaibigan ko sa Public Relations Office ng Central Bank.

Napakadaming tao duon sa comelec at pati ako ay nagulat dahil napakaraming tinawag ang Diyos sa pamamagitan ng Banal na Ispiritu of all kinds na ata ng faith healers, mga taong may kaniya-kaniyang grupo..maliban lang marahil sa akin ..nag iisa. Tandang tanda ko pa ang placard na may nakalagay na "Only a Miracle can Save this country."

Dumating ang isang araw na may nagpunta sa aking lalaki na isa daw news caster na may programang "ispiritual" at inimbitahan ako na dumalo sa isang Ispiritual Convention na gaganapin sa St. Bridget School sa Quezon City. Pumunta ako duon at nakilala ko ang organizer na si Fr. John Paul Cunanan ng San Lorenzo Ruiz Parish sa Tagum, Davao del Sur. Layunin niya ang pumili ng isang kinatawan sa tinatawag na Spiritual Government para maging solid ang boto kasi ang Theme nuong election ay "Maka-Diyos, Maka-Bayan at Maka-Tao." May kasama rin siyang isang doktor or Psychologist at iba pang nasa media na hindi sikat nuong panahong iyon.

13 kaming lahat na dumalo at sabi ko nga "para naman tayong Last Supper". May isang kandidato na huling dumating at may hinanap siyang tao at nang sinabi ng mga kasamahan niya na hindi nakasama at sumigaw siya ng "Rebolusyon" Tahimik lang ako na nagmamasid sa mga kilos nila..parang mga bata... At inumpisahan na ang pagpapakilala at pagsasabi ng kanya-kanyang plataporma. Nagpakilala ako at sinabi ko ang aking plata-porma ayon sa kagustuhan at plano ng Diyos.

1. To unite all men to God thru the Catholic faith.

2. to reconcile men to their country and the leaders of their country.

3. To implement the laws of the land that would benefit the citizenry in accordance with the teachings of Jesus Christ in the Holy Bible and the teachings of Dr. Jose Rizal the father of the country.

Ako ang huling nagsalita at nang sinabi ni Father John na mag-uumpisa na ang pagpili ay may babaeng pumunta sa gitna at nagsalita. Naka trance ang babae at dahil siya ay asawa ng tinatawag nilang "maestro" masusi silang nakinig. Naunawaan ko ang sinabi ng babae dahil iyon din ang mga mensahe na sinabi sa akin ni Lord nuong sumulat ako ng sulat kay Marcos nuong Martial Law. The sins of the country especially the leaders were rebuked, I was crying silently because that is true and based from my spiritual life the lady was telling the truth and then pinatayo niya ang nagsabi ng "Rebolusyon" at may binigay siyang mensahe. I know at that very moment that Ramos will win the Presidency because he was one of the People Power Movement of Edsa. The lady was saying "Kapag ipinakilala na ang TAO ay isisira ko na ang libro" that was the message that she told to the person whom she called. And then she looked around again and pointed her hands to me. Lumapit ako sa kanya at sinabi niya" Akin nang isasara ang libro at ibibigay ko sa iyo ang susi, akina ang palad mo. Binukas ko ang mga palad ko at ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin. Itinaas ko ang mga kamay ko tanda ng papuri sa Diyos dahil alam ko at that very moment I am talking to God in the person of that lady. At sinabi niya sa akin...kung nalalaman lang nila ang aking sinasabi at nagsipagtaas sila ng kamay ay makakakita sila ng milagro ngayong oras na ito..at siya ay ngumiti. Natapos ang usapan namin dalawa at tumuloy na ako sa comfort room, para ba akong may konting pagod na hindi ko maintindihan. At di ko namalayan na ang babaeng kausap ko ay hinimatay. Ngunit sa di kalayuan pala ay may isang "Bata" na nagkuwento sa mga tao na nanduon at ang kuwento ay sinabi lang sa akin ni "Boy" isa ring bisita sa okasyon na iyon...at winika niya...Nasaan si Minda? Tumugon ako. At tapos ay sinabi niya.."sister ang lakas mo pala kay Lord, alam mo ba yung batang yon ay nagsabi na lumapit siya sa may bintana at nanuod dahil may nakita siyang liwanag sa loob ng silid at nakakita daw siya ng mga anghel na may trumpeta at magandang musika nung lumapit siya ay may nakita daw siyang dalawang babae. Ang isa ay napakaganda at may hawak na gintong libro at gintong susi at ibinigay Niya ang gintong susi sa isang babae na kausap niya at sinarado na ang gintong libro." Ngumiti lang ako at silently nagpapasalamat ako sa Diyos dahil maaga Niyang sinabi ang plano niya para sa akin. The things that happened here were documented by Father John Paul Cunanan and you can research on this.

To make the story short, may candidacy was Denied both by the group of men who was present during the convention, because naging palabunutan ang kanilang pagpili at ang pangalawa ay ang Comelec dahil sa wala akong makinaria o pera para matupad ko ang pangangampanya during the election campaign.

In 1998, I again filed my candidacy para tignan kung may nabago na ba sa sistema, as usual when I filed my candidacy we were told to sign a commitment of service sa Comelec na walang ibang paglilingkuran kundi ang bayan kapag nanalo. Kakalimutan ang mga partido at walang gagamit ng tinatawag na guns,gold and goons. I know that I am qualified for those conditions kasi wala akong partido, naka commit ako kay Lord at wala sa akin ang katangian ng guns, goons and gold ... kasi mahirap lang ako. At si Erap na para sa mahirap ang nanalo, husga nga ng iba...walang tinapos, walang masyadong kaalaman mamuno. Hindi ako nagkataon na maka panayam sa media kahit na nagpunta si Teddy Locsin at Karen David sa bahay. At isa lang ang dahilan... ayaw ni Lord na makilala ako..hindi pa oras. Nang panahong iyon ay tinawag ako ni Lord na dumalo sa seminar ng BEC at duon ko nakita ang magandang adhikain at kaharian na sinasabi ni Lord. The Kingdom of God belongs to the poor at duon ako dapat maghari.

In 2004, I again filed my candidacy and meditated inside the Blessed Sacrament asking God..what will I say to your people Lord.. this is the 3rd time that I will file my candidacy because I wanted to correct the 3 times Denial of Peter during your Time. And this is the only means I can proved to you that I loved you and I have to change the concept or thinking of your faithful followers. At nagpakita si Lord ng kanyang mukha sa Banal na Ostia. Nang oras na iyon ay ako lang mag-isa sa loob ng Adoration kaya nagkaroon ako ng time na maka-usap Siya ng tahimik, Heart to heart, Spirit to Spirit. And I heard the voice telling me>> Tell them that I am calling for a Divine Government to be run under a Parliamentary System." At ang mga salitang iyon ay aking sinabi nang ako ay ma televise at ma-interview sa media. This was documented by the press and you can research on this.

This year 2010, I am filing my candidacy to CLAIM the Divine Governent that the Lord told me and promised to me.

The Church in the Philippines which is the catholic church is the true church and I have experienced this in my life with documentation.

The Father of the Church in the Philippines is willing to select a candidate that would unite the people to God to Country and People. To help the poor countrymen to stop all the corruption and human rights violation and walang sawang pagtalampasan sa natural resources ng bayan. The church is calling for active participatioin of the leity...I have been doing this with documentations.

I am just letting you know that I will announce my intention thru the internet on media and also start my asking for donation of Piso para sa Malayang Pilipino. I wanted to free our countrymen from "sin" both in Spirit and in Truth. A freedon with only the fear of God in their heart, freedom to choose according to the "will of God" as teached in the bible and the laws of the land.

My brother and sisters in Christ, even at the very early age of 19, I was already serving the government faithfully and honestly. I can go out and in in the government service with my heads up, as shown in my reentry in the government service last 1989 in the Department of Agriculture, and I really wanted to reach out to you people to the best I can, but it seems that your eyes are blind and cannot speak of the truth. I hope to see you in action. COME, FOLLOW ME and let us make our country GREAT AGAIN with the help of God and the Spirit of God in the hearts of Men. You can do it. Kung nakayanan ko, makakayanan din ninyo ito. Kapit kamay, kapit bisig tungo sa isang malayang bayan. Peace to all of us. God bless me for my cause of LOVE and God bless us all..share with me live the life in its fullness together with the Holy Spirit and guidance of our Church in the Philippines.

To those who are awaken of my call, and willing their share of thithes these are the bank account Nos. where you may deposit your donation of One peso, the lowest donation in Banco de Oro is 200 pesos, so I advice you to group your names and email to me your parish name and location so I can visit you and give my talk sharing on PREX Seminar and also your BEC cell so I can give some support to the needy. I will compile all your names and I will make a Book of Life and submit it to Comelec as the names of my followers when the time of filing for candidacy comes.

The following are my account numbers:

1. Banco de Oro – 5267-2700-0751-3993

2. Metrobank – 169-3169162833

3. Metrobank – 096-3096911883

My email address:

pluzminda33@yahoo.com and pluzminda@gmail.com

The breakdown of your one peso are as follows:

30 centavos for Comelec

35 centavos for PREX Movement

35 centavos for BEC

Ito ang halimbawa ng isang mahirap na Pilipino na may pag-ibig sa Diyos at buong pananampalatayang isinusuko ang sarili, ispiritu at kaluluwa kahit na anong hirap ang nadanasan sa buhay ay patuloy na kumakapit sa Krus at itinataas para makita ng lahat ang liwanag nang sa gayon ay matutu rin humingi ng tawad at magbigay pasasalamat ang nakakilala sa Kanya. Salamat sa Inyong lahat. Masy the grace and the love and peace of God remain in your heart, mind and soul. Join me to Heal our Land in prayers and in action.

Yours in Christ,

Luzviminda R. P.