Wednesday, November 25, 2009

comelec-"The voice of the people is the voice of God" God's Elect

COMELEC or Commission on Election - It says "The Voice of the People is the Voice of God" therefore whoever is elected is considered "God's Elect".
Is this true? Yong opisina totoo pero and sinasabi at ginagawa o nangyayari ay tila hindi makatotohanan. Ano sa palagay ninyo mga Pilipino?
Meron akong gustong ibahagi sa inyo base sa personal na karanasan, hindi sa dahilang parati ako tinatakwil or deni-deny ng Comelec, ngunit ganoon pa man, ibabahagi ko pa rin ang buhay ko sa inyo at kung paano na lang ang pag-respeto ko sa opisina na ito.

Sa gulang ko na 12 years old tuwing eleksiyon ay pinatutulong ako ng Tiya ko na isang guro na samahan siya sa Munisipyo para kunin ang mga papel na ginagamit sa tuwing sasapit ang eleksiyon. At dahil sa "SAGRADO" ang ballot box iyon ang parati ko na binabantayan, inuupuan ko pa nga para hindi mawala o maagaw. Tumutulong ako na mag linis, mag-ayos ng mga taong boboto at nang High School na ako ganoon pa rin ang ginagawa ko. Taga ingat, taga bantay, taga linis at taga ayos hanggang maibalik ang ballot box pabalik sa Munisipyo. Nang mag college na ako bukod duon sa regular na ginagawa ko naranasan ko rin na mag score sa black board ng mga nanalong kandidato. Ganyan ako maglingkod sa Comelec ng walang extrang bayad kundi bilang katulong ng aking Tiya.

Ang pinagtataka ko lang at tunay na pangyayari ay nang maranasan ko na dumalo sa isang meeting at ang pinuno ng bayan ay nag-utos na "gawan ng paraan na manalo ang taong gustong mamuno sa bayan", duon ko nakita ang "padding" na tinatawag, kaya, sa totoo lang, kahit ako botante nag abstain ako. Sabi nga ng teacher na kasama namin ...aktibista ang bumotong ito, sabay tingin sa akin. Duon ko rin naranasan na magkandado ng pinto dahil nang oras ng bilangan ay biglang nag-ba-brownout at nagkakaroon ng "ballot snatching". Ito ang panahon ng Marcos Regime.

After Marcos ang experience ko iba na...pera-pera na ang kalakaran kung saan bago bumoto ay may sasalubong na sa iyong mga "utusan" na mag-aabot ng sample ballot at may naka-ipit na pera. Ang uri ng pangampanya ay nagpa-painom ang kandidato sa mga tagong estero sa lugar ng mahihirap, nag me-meeting at nagpapabango sa mga taong mahihirap para sila iboto. Paramihan ng tao ang mga partido ng bawat kandidato at ang common picture ay "butterfly candidate" lipat-ng-lipat sa medyo alam nilang sikat na kandidato. Pabor naman ito sa mga leaders or campaign manager sa area nakakatuwang masdan na kung minsan ang leader parehong nag tratrabaho sa magkaribal na kandidato. Nakisali din ako sa mga partidong sikat at nagpabayad din ako ng serbisyo dahil sa hirap ng buhay ng mga panahon na iyon. Hanggang dumating ang PPCRV at sabi ko dito na lang ako maglilingkod ng boluntaryo at least panatag ang kalooban ko, masaya pakiramdam ko kahit na inaabot kami ng umaga na walang tulugan. Alam ko ang laki ng perang ginagastos ng mga kandidato tuwing halalan kasi sinubukan ko rin na sumama sa kandidato na gusto ko at alam ko na dadayain ng kabilang kampo. Sabi ko nga sa isip ko ganito pala ang makamundong buhay. Ang mga ma-perang kandidato ang nananalo, mga kandidatong may partido, mayaman super, may dati nang kapangyarihan at gusto pang manatiling naka "glue" sa puesto o di kaya pasa sa anak, asawa, kamag-anak para mapanatili ang kanilang "power".

Minsan ako ay nag-iisip at tinatanong ang Diyos kung bakit sinasabi pa ng Comelec na ang Voice of the people is the voice of God kung ang nakikita ko na nananalo ay gumagamit ng BARIL, karahasan at pananakot. Bakit kailangan ng ganoon kalaking pera para magkaroon ng kapangyarihan, bakit kailangan gumastos ng mga "private army" para sila bantayan at siguraduhin na sila ang maupo or manatiling nakaupo sa kapangyarihan. Talaga kayang DIYOS ang nag-utos sa mga kandidato na ito para magkaroon ng kapangyarihan sa Gobyerno? Anong uri kaya ng Diyos? Ah..sabi nga pala ng Bible ..you cannot serve two masters ..either you love one and hate the other..its either God or money to become a true servant. Para bang one servant of the Filipino people or servant of the party. Which is which. Mag-isip ka rin..Pilipino ka.! Yon, eh..kung gusto mong magising sa katotohanan or manatiling nagtutulog-tulugan or simply a "blind follower".

Nang magkaroon naman ng isang kandidato para sa mahirap na hinalal ng mga taong mahirap ang ginawa naman ng mga kandidatong may kapangyarihan ay tinanggal sa puesto ang mahirap na kandidato...WHERE IS THE SANCTITY OF THE VOICE OF THE PEOPLE, as being claimed, at pinababayaan ang ganito...and the answer maybe..."kasi suporter or appointed sila ng mga taong nagtanggal." At ito ang resulta ng "cardinal sin" ng bayan ..Hindi nagbigay pagpapahalaga sa "Comelec". Sino kaya ang sinasabi ng Comelec na "nuisance"? Bakit kaya ang Comelec kapag nag-reklamo ang isang kandidato na dinaya kailangan matapos ang desisyon kapag matatapos na ang panunungkulan ng pinaupo nilang kandidato at pag 3 months bago mag election ide-declare na nila ang complaining candidate na "winner"!. Ganyan ba talaga katagal mag trabaho ang mga opisyal ng nasabing opisina? Just-tiis na lang pabayaan mo na lang muna kami..oh my gosh!! Pinasuweldohan pa ng taong bayan ang mga iyan.

Ngayon, nag-uumpisa pa lang ang filing ng candidacy ay nagkakaroon na ng "masaker" at dahil sa kampi ng nakaupong may kapangyarihan hindi puede "hulihin" ang "suspek" pero kapag snatcher, holdaper kulong agad ...justice pa rin kaya ang tawag dito. Paralegal volunteer din ako at nanlulumo ako na makarinig ng kuwento ng mga nakakulong na walang imbestigasyon man lamang, walang abogado, walang pera, kamag-anak at mga lumayong kaibigan. Hanggang kelan tayo mananatiling tahimik sa Katotohanan mga Pilipino..pag-isipan mo at magising ka naman. Naghahanap ba tayo ng "milagro galing sa langit? Yon bang sinasabing 3 araw na kadiliman?" Eh, yon lang makakita ka nang ganitong pangyayari ay "kadiliman na, yon lang mag people power ay kadiliman na" ano pa ba ang hinihintay ng mga tao?

Gusto ko makakita ng GOD's Elect...mamumuno o pinuno na meron Diyos sa Puso, Isip at Kaluluwa, may buhay at kumakalinga sa mahihirap, pinunong kayang gawin ang utos ng kanyang pananampalataya. A servant of the Filipinos and not a Servant of the party who claims that they have loyalty to their party. Beware Filipinos and take heed.. Pag-isipan mo at magising ka.
COMELEC is the one that holds the key to a kingdom of leadership..it is a peaceful change of leadership and the Filipino people must learn how to choose wisely...it is not the amount of money that a candidate can spend to win the election but rather look at the Commitment and performance of every candidate. It is much better if we choose an independent candidate who is willing to give his/her life for the countrymen and to the country, to God and to His Faith. Lastly ..seek first the Kingdom of God and all these things will be added on to you...power, wealth, blessings and God in the center of your life so that your followers will learn to give thanks to the Lord Almighty. God bless us all. May God forgive us of our "cardinal sin" the sin we have done to our country - the Philippines.




No comments:

Post a Comment